Halos ‘di magkamayaw sa kaiiyak ang 7-anyos na batang lalaki matapos masabugan sa mukha nang pinaputok na boga sa Puerto Princesa City, sa mismong Araw ng Pasko.
Ayon sa ulat, hindi ang bata ang nagpaputok ng boga kundi nadamay lamang sa pagsabog, na nagresulta sa pinsala sa kanyang mukha.
Kinumpirma ng Ospital ng Palawan na ito ang unang fireworks-related incident na naitala sa lungsod ngayong taon.
Samantala, nakahanda na ang Ospital ng Palawan sa posibleng pagdami ng fireworks-related injuries at mga kaso ng aksidente sa kalsada ngayong Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon.
Saklaw ng kanilang surveillance period ang December 21 hanggang January 6, 2026, kung saan naitala na ang isang fireworks-related injury at walong road crash injury.
Patuloy ang paalala ng Ospital ng Palawan at ng Department of Health na iwasan ang paggamit ng paputok, lalo na ng mga bata, dahil sa panganib na dulot nito.
(Romeo Luzares Jr)