Huli sa akto ng may-ari na ginagahasa ng isang lalaki ang kaniyang kambing sa bayan ng El Nido sa Palawan nitong Lunes.
Ayon sa ulat, nakita umano ng may-ari na ginagahasa ng suspek na si alyas “JR” ang kaniyang kambing sa Sitio Lamuro sa Barangay Pasadeña.
Nang tawagin umano niya ito ay agad na tumakbo ang suspek na walang saplot, maging ang kanyang kasabwat na nagsilbing lookout na agad namang nadakip.
Sa salaysay ng look out na kinilalang si alyas Dodong, hinabol umano ng kasamang si Jr ang kambing at nang mahuli ay agad itong naghubad ng underwear at ginahasa.
Patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act of 1998. (Romeo Luzares Jr)