Bulkang Mayon nagpasabog

Naitala sa Mayon Volcano ang panibagong rockfall events o pagbagsak ng bato nitong Lunes ng hapon.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakunan ng ccamera at seismic monitor ng Mayon Volcano ang pagbagsak ng bato mula sa lava dome nito dakong alas 4:33 ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, gaya ng mga naunang insidente, gumulong ang mga bato sa miisi gully sa southern slopes ng bulkan at tumigil may isang kilometro ang layo mula sa crater.

Naitala ng ahensiya ang nasa 19 na rockfall events nitong nakalipas na araw.

Gayunman, nananatili pa rin ang alert Level 1 ng bulkang Mayon at mahigpit na ipinagbawal ang pagpasok sa 6-km Permanent Danger Zone.


オリジナルサイトで読む