Nahaharap ngayon sa kasong administratibo ang dalawang pulis na naaktuhan ng mga kapwa nila pulis na nasa cockpit arena sa bayan ng Sulat, Eastern Samar.
Ito ay bahagi ng direktiba ni Eastern Samar Director Col. Ernesto Macasil, na nagbabawal sa mga pulis na masangkot sa mga pustahan lalo na sa sabong.
Ang dalawang pulis ay nakilalang sina P/Ssgt. Bryan Rey Orquia, 43-anyos, at P/Cpl. Jason Lobrio, 47, kapwa nakadestino sa Sulat Eastern Samar Municipal Police Station.
Ipinag-utos ang pagdakip sa dalawa base sa report na nakarating sa panlalawigang pangasiwaan ng PNP, na linggo-linggo ay nasa loob ng sabungan ang mga ito at nakikipagpustahan kahit walang pera.
Sa ngayon ay nananatili sa Sulat PNP Station ang dalawang pulis habang nahaharap sa kaso. (Edwin Gadia)