Saksak ang inabot ng isang binata makaraang sapakin ang sinita na nagpapaputok at nagrerebolusyon ng makina ng motor sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Bgy. Salogon ng nasabing bayan.
Ang biktima ay kinilalang si alyas Manting, 33 taong gulang, binata na kapitbahay ng suspek na si alyas Carl, 29 taong gulang. Nangyari ang insidente kasabay ng bisperas ng New Year na sinasabing kaarawan din nito.
Sa imbestigasyon, nasa kasagsagan ng pagpapaputok ang suspek na si Carl at mga kaanak nang lapitan sila ng tatay ng biktima para sawayin at patigilin sa pag-iingay pero nauwi lang ito sa mainitang pagtatalo.
Makalipas ang pagtatalo at dahil kargado na ng alak ang biktimang si Manting ay nilapitan niya ang suspek at sinapak, pero ginantihan siya ng suspek ng paggripo sa tiyan gamit ang jungle knife.
Agad naisugod sa Ospital ang biktima na nagpapagaling hanggang ngayon.
Kusa namang sumuko ang suspek dala ang siyam na pulgada na jungle knife, na nahaharap ngayon sa kasong Frustrated Homicide. (Romeo Luzares Jr)