Inaresto ng mga tauhan ng Tagum City Police Station, kasama ang 1st Davao Norte Provincial Mobile Force Company (DNPMFC), ang mag-live in partner at isang indibidwal sa anti-illegal operation madaling araw kahapon, Enero 3, 2026, sa Barangay Visayan Village, Tagum City.
Isa sa suspek ay kinilala sa alyas “Neneng”, babae, 18-anyos, pansamantalang naninirahan sa Purok Buli, Brgy. Visayan Village, Tagum City, at taga-Purok 2, Brgy. Hijo, Munisipyo ng Maco, Davao de Oro. Arestado din ang live-in partner niyang si alyas “Ron-Ron”, 19, pansamantalang naninirahan sa Purok Buli, Brgy. Visayan Village, Tagum City, at taga-Purok Macopa, Brgy. Bisaya, Tagum City at kasabwat nilang si alyas “Rey”, 34, binata, ng Purok Macopa, Brgy. Bisaya, Tagum City.
Nabilhan ng poseur-buyer ng isang elongated heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang tobats mula kay Neneng, gamit ang isang P500.00 bill at 6 machine copied na P1,000.00 bill.
Narekober mula sa posisyon ni Ron-Ron, ang isang improvised glass tube tooter, 4 elongated heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang tobats at isang blue/green coin purse.
Ang mga nakumpiskang iligal na droga ay tinatayang may street value na P20,400.00.
Nasa kustodiya na ng Tagum City Police Station ang tatlong suspek. (Edith Isidro)