Isinapubliko noong Enero 2, 2025 ng 2nd Infantry Battalion ang pagkakasamsam ng umano’y mga pampasabog ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Libas, Placer, Masbate.
Ayon sa ulat ng militar, bandang alas-5:30 ng umaga noong Disyembre 30, 2025 nang matunton ng mga operatiba ng Philippine Army, katuwang ang PNP Mobile Force, ang pinagtaguan ng mga armas.
Nasamsam sa lugar ang 42 piraso ng anti-personnel mine at 118 improvised hand grenade. Ayon sa militar, isang dating impormante na sinasabing dating isinasama ng mga rebelde sa kanilang armadong operasyon ang nagturo sa kinaroroonan ng naturang arms cache.
Ipinaliwanag ng 9th Infantry Division na paglabag sa International Humanitarian Law ang paggawa at pag-iingat ng mga pampasabog.
Kaugnay nito, nagpapatuloy ang clearing operations ng mga sundalo matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa isa pang arms cache na umano’y natagpuan sa pagitan ng Barangay Intusan at Barangay Salvacion sa bayan ng Palanas. (Edwin Gadia)