Walang trabaho nahulihan ng P1.3M `bato’

Nadakma ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 5 (PDEA RO5) sa pamamagitan ng Regional Special Enforcement Team (RSET), ang 27-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng aabot sa P1.36 milyong halaga ng droga sa buy-bust operation sa Barangay Quitago, Guinobatan, Albay nitong Biyernes ng umaga.

Ang nahuling suspek ay kabilang sa high-value target, walang trabaho at residente ng Taguig City.

Sa ulat, alas-9:01 ng umaga nang isagawa ang buy bust ng PDEA Albay Provincial Office, PDEA Regional Legal Unit (ROV), Guinobatan Municipal Police Station, at ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5 (RPDEU 5) sa lugar na nagresulta sa pagkakaaesto ng suspek.

Nasamsam sa suspek ang 200 gramo ng tobats na nagkakahalagang P1,360,000.

Nahaharap ito ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act No. 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Dolly Cabreza)


オリジナルサイトで読む