Isang dalaga ang nasawi matapos tuklawin ng umano’y King Cobra habang abala sa pagsi-swimming sa North Cotabato.
Dead on arrival sa ospital ang biktima matapos na mabilis umanong kumalat ang nakalalasong kamandag ng cobra sa kaniyang katawan.
Sa ulat, habang naliligo ang biktima sa ilog ay namataan na lamang ng mga kasamahan nito ang sinapit ng biktima. Bagamat takot sa nabanggit na makamandag na ahas ay pinagtulungan nilang hulihin ang King Cobra o mas kilala sa tawag na “Banakon,” at pinatay.
Ito ay sa kabila ng administrative order ng Department of Environment and National Resources (DENR) na itinuturing na “threatened species” ang mga King Cobra sa bansa dahil sa nalalabing bilang ng pagkaubos nito.
Ipinagbabawal din ng DENR ang pagbebenta at pagpatay sa anumang uri ng cobra sa bansa. (Dolly Cabreza)