Bebot, 1 pa inambus ng nakatsikot

Sugatang isinugod ang dalawang katao, kabilang ang isang babae matapos tambangan ng hindi pa nakilalang suspek sa lungsod ng Kidapawan, hapon nitong Linggo, Enero 4.

Kinilala ng Kidapawan City Police Office ang mga biktima na sina Romel Canson at Crystalemae Nuñez.

Sa inisyal na ulat, lulan ang dalawa ng kotse at habang binabaybay ang kahabaan ng highway sa bahagi ng Barangay Lanao ay sinabayan umano sila ng mga nakakotse ring mga suspek at pinaulanan ng bala ang mga biktima.

Agad namang naisugod sa pagamutan ang dalawa habang mabilis na tumakas ang mga responsible sa pangraratrat.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon at hot pursuit operation ng Kidapawan City PNP upang agad na matukoy ang mga suspek. (Jun Mendoza)


オリジナルサイトで読む