Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang kagawad ng barangay matapos ratratin ng armadong suspek, hapon nitong Linggo, Enero 4, sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Barangay Sigayan Kagawad Rolly Omar.
Sapol sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima dahilan ng kanyang pagkasawi.
Samantala, mariin namang kinondena ng mga residente at opisyal ng barangay ang pagpaslang sa biktima.
Patuloy pa ang hot pursuit operation ng Lambayong Municipal Police Station laban sa mga salarin habang inaalam pa ang motibo sa insidente. (Jun Mendoza)