Bagger tiklo sa ninenok na condom

Inaresto ng mga awtoridad ang isang bagger sa isang mall sa Barangay Mabolo, Cebu City matapos umanong magnakaw ng isang pack ng branded na condom nitong Martes, Enero 6.

Ayon sa ulat ng pulisya, napansin umano ng mga tauhan ng tindahan ang kahina-hinalang kilos ng suspek matapos itong lumabas ng establisyemento nang hindi nagbabayad sa kahera. Agad siyang pinigil ng mall security at isinailalim sa routine inspection.

Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre ang nasabing item na nagkakahalagang ₱387.75 na nakatago sa loob ng pantalon ng suspek. Dahil dito, agad siyang inaresto.

Depensa ng suspek, nagawa aniya niya ang krimen dahil sa “curiosity” sa paggamit ng condom na hindi pa umano niya nasusubukan.

Nasa kustodiya ng pulisya ngayon ang suspek at mahaharap sa kasong theft.


オリジナルサイトで読む