Sinalpok ng isang pickup vehicle ang pitong tricycle sa harap ng Don Mariano National High School sa Barangay Guising, Gattaran, Cagayan.
Dahil sa lakas ng banggaan, matinding pinsala ang kinahinatnan ng mga tricycle kung saan dalawa katao ang nasugatan.
Sa inisyal na imbestigasyon, nag-overtake umano ang pickup sa sinusundang sasakyan nang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver hanggang sa sumalpok sa mga nakahilerang tricycle.
Nagtamo ng sugat ang dalawang driver ng tricycle na agad na dinala sa ospital.
Nasa kustodya na rin ng pulisya ang driver ng pickup.
Pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat lalo na sa mga matataong lugar. (Randy Menor)