Baha sa Sorsogon ga-beywang na

Dahil sa walang puknat na pagbuhos ng malakas na ulan mula kahapon hanggang sa kasalalukuyan sa lalawigan ng Sorsogon, umabot na hanggang sa bewang ang tubig baha sa Barangay Biriran, Juban Sorsogon, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Juban.

Nanatiling nasa ilalim ng orange warning ang buong lalawigan, ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa-DOST).

Patuloy namang nagpapaalala ang lokal na pamahalaan sa mga residente sa mga mabababang lugar at malapit sa mga ilog at dagat na mag-ingat sa posibleng pagtaas ng tubig dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan. (Jude Hicap)


オリジナルサイトで読む