Mayon walang puknat pag-alboroto, lava umagos na

Nagtipon ang ilang mga residente at turista sa iba’t ibang bahagi ng Albay, Miyerkules ng gabi upang masilayan at makuhanan ng larawan ang “banaag” o crater glow ng nag-aalborotong Bulkang Mayon.

Ayon sa Phivolcs, nagkaroon ng dome collapse at pagdaloy ng “uson” o pyroclastic density current mula alas-6:36 ng gabi hanggang alas-7:00 ng gabi, kasabay ng pag-agos ng lava pababa ng Bonga Gully na nagmistulang kakaibang “fireworks display” sa bulkan.

Patuloy na nananawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan at residente sa mga high-risk area sa Bicol na agad lumikas kasunod ng pagtaas ng alert status ng Bulkang Mayon sa Alert Level 3.

Inatasan ng DILG ang mga LGU nitong Miyerkoles na ipatupad ang mandatory evacuation sa loob ng anim na kilometrong permanent danger zone at ipagbawal ang pagpasok sa lugar.


オリジナルサイトで読む