Barangay chairman tiklo sa P2.7M `bato’

Inaresto ng mga pulis ang isang Punong Barangay sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Canauli, Janiuay, Iloilo, Miyerkules January 7, 2026.

Kinilala ang suspek na si alyas Junjun, 51 taong gulang at residente ng nasabing bayan.

Nakumpiska mula sa barangay chairman ang 410 gramo ng umano’y `bato’ na nagkakahalagang P2.78 milyon at mahigit 4 libong piso na halaga ng tsongke.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. (Joven Escaniel)


オリジナルサイトで読む