2 utas, 30 pa nawawala sa gumuhong Cebu landfill

Dalawa na ang kumpirmadong nasawi habang mahigit sa 30 pa ang nawawala matapos matabunan ng gumuhong pribadong landfill sa Cebu City nitong Huwebes ng hapon.

Sinabi ni Councilor Joel Garganera, chairperson ng committee on environment na na-trap ang nasawing dalawang empleyado ng landfill sa loob ng gumuhong staff building nila.

Samantala, walo ang nailigtas at dinala sa mga ospital habang sinusubukan ng mga rescuer na kunin ang 30 iba pa na mahigit kalahati dito ay mga manggagawa ng landfill at ang iba ay mga kontratista.

Batay sa inisyal na assessment ng mga awtoridad, nasa 10-storey ang taas ng landfill na naging sanhi ng landslide.

Sinabi ni Cebu City Environment and National Resources head Engineer Editha Peros na iniimbestigahan na nila ang insidente.

Samantala, sinabi ng mga opisyal ng pribadong landfill, na pinamamahalaan ng Prime Waste Solutions Cebu, na handa silang magbigay ng kinakailangang tulong at suporta sa lahat ng naapektuhan.

Dahil dito, naghahanap na ngayon ng alternatibong paraan ang Cebu City at iba pang local government units na pagtatapunan ng kanilang mga basura. (Dolly Cabreza)


オリジナルサイトで読む