Todas sa Cebu landfill 4 na, 34 nawawala pa

Umakyat na sa apat ang kumpirmadong nasawi sa gumuhong Binaliw landfill sa Cebu City noong Huwebes, Enero 8, habang patuloy pa rin ang rescue operations para sa mga nawawala.

Ayon kay Mayor Nestor Archival, 12 ang dinala sa ospital nitong Sabado ng umaga, at patuloy ang masusing pag-aalis ng debris gamit ang 50-ton crane dahil may mga senyales ng buhay sa ilang lugar.

Sa pinakahuling tala, 34 pa ang nawawala, bagaman hindi malinaw kung ilan pa ang aktibong pinaghahanap.

“Power restoration, sanitation facilities, rest areas for rescuers, internet connectivity, and proper housekeeping at the site are being addressed concurrently,” ani Archival.

“Preparations are also underway to manage the looming garbage collection issue, temporary staging arrangements, and documentation for death certification and release of remains,” dagdag pa niya.

Patuloy naman ang lokal na pamahalaan sa pakikipag-ugnayan sa mga pamilya ng biktima at nawawala, kabilang ang regular na briefing, psychosocial support, at update mula sa site.

Sa isang panayam kay Cebu City Mayor Archival, karamihan aniya sa mga biktima ay empleyado ng nasabaing landfill at pahirapan at sobrang ingat ng ginagawang search and rescue operation dahil sa posible umanong sumabog ang methyne gas sa paligid ng lugar.

Dagdag pa ng alkalde na posibleng ang mga dumaang bagyo ang isa sa mga dahilan ng paglambot ng lupa sa lugar na nauwi sa malawakang landslide. (Angelika Cabral/Edwin Balasa)


オリジナルサイトで読む