Nasira ang harapan at tagiliran ng isang kotse matapos makipagbanggaan sa pampasaherong bus sa national highway sa Bantay, Ilocos Sur noong January 09, 2026.
Sa imbestigasyon ng pulisya at kuha ng Closed-Circuit Television (CCTV), hindi umano nakontrol ng driver ang kotse at napunta sa kabilang linya ng kalsada dahilan para makipagbanggaan ito sa kasalubong na bus.
Agad na dinala sa ospital ang dalawang babae na sakay ng kotse dahil sa pananakit ng kanilang mga dibdib.
Wala namang nasaktan na sakay ng bus.
Payo ng pulisya, kailangan ang ibayong pag-iingat lalong lalo sa pagmamaneho. (Randy Menor)