Ang biktima ay nakilala na si Afraz, 29 taong gulang, negosyante at residente sa Barangay Ula.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, kakatapos lang magpa-trim ng kanyang bigote ang biktima sa isang barbershop at pasakay na sa kanyang sasakyan nang lapitan siya ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at bigla na lang pinaputukan ng tatlong beses.
Tinamaan ng bala sa likod at kaliwang balikat ang biktima habang ang mga responsable ay mabilis na tumakas papuntang Brgy Ula.
Sa kabila ng pinsala, nagawang magmaneho ni Afraz papuntang ospital sa tulong ng kanyang empleyado.
Kasalukuyan siyang ginagamot sa Southern Philippines Medical Center.
Nakarekober sa lugar ng tatlong empty cartridge cases ng .45 caliber, na isinailalim na sa ballistic examination.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo at makilala ang mga suspek. (Edith Isidro)