Pormal nang nasampahan ng kasong pagpaslang (murder) nitong Biyernes ang suspek sa natagpuang bangkay ng babae kamakailan sa container box sa Camarines Norte.
Batay sa ulat ng Cabuyao City Police Station, dakong alas-3:30 ng hapon isinampa ang kaso laban sa suspek na kinilalang si alyas Arnel, residente ng Cabuyao City, Laguna.
Isinagawa ang pagsasampa ng kaso sa Camp BGen Paciano Rizal sa Sta. Cruz.
Ayon sa Laguna Police Provincial Office, bunga ito ng maagap at magkakaugnay na pagtutulungan ng hanay ng kapulisan.
Tiniyak ni Police Colonel Jonar Yupio, director ng LPPO, na patuloy na magsasagawa ang pulisya ng mabilis at tiyak na aksyon upang maihatid ang hustisya at kapanatagan sa pamilya ng biktima.
Nabatid na ang suspek at ang dalagang natagpuang patay sa box na si Anelis Agocoy, 38, residente ng Barangay Bura, Catarman, Camiguin ay sinasabing magkarelasyon.
Ayon sa pamilya ng suspek na isang sikyo, nagkaroon umano ng alitan ang kanilang anak at ang biktima (Ronilo Dagos)