Tinangay ang 27 baka, tatlo rito ang natagpuang chop-chop na sa Barangay Sengal, Lamitan, Basilan noong Sabado ng madaling-araw.
Sa ulat ni alyas “Basil”, residente sa Barangay Sengal, nadiskubre niyang nawawala na ang kaniyang mga alagang baka noong madaling-araw ng Sabado.
Aniya, kinutuban na siya kaya pinuntahan niya ang koral pero tumambad sa kaniya ang mga lamang loob ng tatlo rito habang nawawala naman ang iba pa.
Sa paghahanap, natagpuan ang dalawang baka habang nanginginain sa kalapit na pastulan.
Kasunod nito, natagpuan naman ang bahagi ng mga katawan ng baka sa Barangay Limook.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya na posible umanong kagagawan ng mga organisadong cattle rustling at ilegal na pagkatay ang insidente. (Dolly Cabreza)