Sikyo nahuling tulog, tinodas

Isang security guard ang nasawi matapos barilin habang himbing na natutulog sa General Santos City. Ayon sa pulisya, walang kalaban-laban ang biktima nang mangyari ang pamamaril.

Sa ulat ng General Santos City Police Station 9, natukoy na natutulog ang biktima sa stockhouse ng kanyang pinagtatrabahuhang security agency sa Barangay Mabuhay nang siya ay lapitan at barilin ng suspek.

Dalawang indibidwal ang itinuturing na persons of interest (POI) ng pulisya.

Ang una ay sinasabing nakainuman at nakaalitan ng biktima bago ang insidente at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

Samantala, isinailalim naman sa paraffin test at masusing imbestigasyon ang isa pang POI na kasamahan ng biktima sa trabaho, na dati na rin umanong nagkaalitan.

Tinitingnan ng pulisya ang personal na galit bilang posibleng motibo sa krimen.

Sa ngayon ay patuloy ang pagkuha ng pahayag mula sa mga POI, sa security agency, at sa mga kaanak ng biktima habang isinasagawa ang mas malalim na imbestigasyon.


オリジナルサイトで読む