Bulkang Kanlaon 4 beses bumuga ng abo

Apat na beses ng pagbuga ng abo ng Bulkang Kanlaon ang naitala sa loob ng 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Martes.

Ayon sa Phivolcs, umabot sa 10 hanggang 396 ang tinagal ng mga ash emission.

Kabilang dito ang mga naganap sa mga oras na alas-10:09 ng umaga, 11:31 ng umaga, 12:47 ng tanghali, at ika-4:58 ng hapon.

Bukod sa mga pagbuga ng abo, naitala rin ang dalawang volcanic earthquake at patuloy na naoobserbahan ang pamamaga ng bulkan.

Sa ngayon ay nananatili na nasa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon, ayon pa sa Phivolcs. (Angelica Malillin)


オリジナルサイトで読む