Lava tumilansik sa Bulkang Mayon

May naitala nang incandescent short-lived lava fountaining ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) mula sa Bulkang Mayon.

Naganap ito bandang ala-1:39 kahapon ng madaling araw, January 13, 2026 mula sa kuha ng Mayon Volcano Observatory sa Mayon Resthouse Station sa Tabaco City.

Isa sa mga parametro ng patuloy na pagtaas ng aktibidad ng bulkan ang lava fountaining.

Nabatid na 35 segundo ang itinagal nito at umabot sa 100 metro ang taas.

Paliwanag ng Phivolcs, ang lava fountaining na may kasamang lava flow at occasional explosions, pagtaas ng sulfur dioxide emission bukod pa sa low frequency tremor at pamamaga ng Bulkang Mayon ang binabantayan nila sa pagtaas ng alert level.

Nasa alert level 3 pa ang Mayon Volcano at mahigpit ang babalang huwag lumapit o pumasok sa paligid ng 6-kilometer permanent danger zone o pagpapalipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa crater. (DWAR Abante Radyo)


オリジナルサイトで読む