Nawasak ang seawall sa bahagi ng Brgy. Mataque sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte kung saan matatagpuan ang landmark na “Sibol Capalonga” kamakalawa ng umaga, January 12, 2026.
Ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Capalonga, ito ay bunsod ng walang patid na pag-ulan na nagpabagsak sa riprap at nagdulot din ng pagbaha sa ilang barangay sa nasabing bayan at ilang lugar sa nasabing lalawigan.
Makikita sa mga kuhang larawan na mistulang ampaw ang pagkagawa ng nasabing seawall kaya mabilis na bumigay sa hampas ng alon at tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan.
Pinangangambahan ng mga residente na kung magpapatuloy pa ang lakas ng ulan sa mga susunod na araw, posibleng tuluyang bumagsak ang buong istruktura.
Binisita naman ni Camarines Norte Acting Governor Joseph Ascutia ang nasabing istruktura
Inaalam pa kung ito ay proyekto ng DPWH o ng Lokal na Pamahalaang nakakasakop dito. (Jude Hicap)
