Police asset itinugang tulak erpat ng GF, kinatay

Dedbol ang isang police asset nang pagtulungang bugbugin at pagsasaksakin ng mga stepbrother ng kanyang girlfriend matapos ituga sa pulisya na tulak ang tatay ng mga ito sa Cagayan de Oro City, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng pulisya, paulit-ulit na sinipa at pinagsasaksak ng mga suspek ang biktima sa Lower Tambo, Barangay Macasandig sa Cagayan de Oro City.

Naisugod pa sa ospital ang biktima na nagtamo ng 22 saksak ngunit idineklara itong dead on arrival.

Ayon sa pulisya, pinuntahan ng mga suspek ang biktima upang hiramin umano ang motorsiklo nito, nang bigla na lamang siyang bugbugin ng magkakapatid.

Hindi pa nasiyahan, bumunot pa ng patalim ang mga suspek at saka inararo ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Nadakip ng mga awtoridad ang isang 19-anyos habang pinaghahanap pa ang dalawa niyang kapatid.

Nabatid na bago ang krimen, nagsumbong umano ang biktima sa mga awtoridad na ang ama ng kaniyang girlfriend at ng mga suspek ay sangkot sa iligal na droga dahilan upang ito ay kuyugin. (Dolly Cabreza)


オリジナルサイトで読む