Estudyante binistay ng BF

Sugatang isinugod ng pagamutan ang isang babae sa Bacolod City kahapon, Enero 16, 2026.

Ito ay matapos siyang paputukan ng baril ng kanyang boyfriend habang nasa gilid ng kalsada sa Purok Masinadyahon, Barangay 12, siyudad ng Bacolod.

Kinilala ang biktima sa alyas na ‘Danica’ habang ang suspek ay si alyas ‘Bogart’, pawang mga estudyanteng nangungupahan sa isang boarding house sa nasabing lugar.

Nalaman sa isang panayam sa kasamahang boarder ng dalawa, na nag-away ang magkasintahan at may tumakbo palabas ng boarding house.

Kasunod noon ay narinig umano ang isang putok ng baril hanggang sa makita na lamang na duguang humandusay ang babae sa gilid ng kalsada.

Maagap naman na sinaklolohan ng mga boardmates ang sugatang biktima at naitakbo sa pagamutan.

Nagtamo ito ng bala sa balikat habang nahuli naman ng mga rumespondeng pulis ang nobyong suspek. (Edwin Gadia)


オリジナルサイトで読む