Dalawang motorsiklo at mga driver nito ang kapwa bumalandra sa kalsada malapit sa isang pastol ng mga baka sa Brgy. Estampar, Cataingan, Masbat matapos silang magkasalpukan kamakalawa.
Dead on-the-spot ang rider ng dalawang motorsiklo nang madatnan ng mga first responder ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Cataingan, habang naitakbo sa ospital ang mga sugatan nilang angkas, sa pamamagitan ng trak na ipinagamit ng kagawad ng barangay sa naturang lugar.
Nalaman na galing sa lingguhang tiyangge ang magkaangkas sa isang motorbike na umano ay nawala sa linya kung kaya nabangga nito ang kasalubong na motor.
Isa sa dalawang sugatan ay binatilyo na ngayon ay nakaratay sa District Hospital ng Cataingan, Masbate habang nasa punerarya na ang mga nasawi. (Edwin Gadia)