Call center agent kinalawit sa droga raket

Timbog ang 42 taong gulang na call center agent matapos makuhanan ng 14.4 gramo na umano’y tobats na nagkakahalaga ng halos P97,000 sa ikinasang drug buy bust operation sa Laoag City, Ilocos Norte.

Ang nahuling suspek ay nasa top regional target list ng Region 1 at High Value Individual (HVI).

Bukod sa droga, nakuha pa sa suspek ang ilang drug paraphernalia, pati na rin ang P6,000 na buy bust money.

Nahaharap ito ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang operasyon ay isinagawa ng Laoag City Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang hanay ng pulisya.

Ang suspek ay matagal nang mino-monitor ng PDEA at pulisya na suma-sideline sa pagbebenta ng illegal na droga. (Randy Menor)


オリジナルサイトで読む