Mataas pa rin ang aktibidad at mga parametrong binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs sa Bulkang Mayon.
Sa pinakahuling monitoring report ng ahensya, nasa 293 na pag-uga ng bulkan o volcanic earthquake at 106 na beses ng pag-uson o pyroclastic density currents ang naganap.
Kitang-kita rin ang banaag mula sa crater nito kung saan nagkaroon din ng 224 rockfall events.
Nagbubuga ang lava dome at nagpapatuloy ang lava flow na may panaka-nakang mahinang strombolian activity.
Namamaga ang bulkan at 3,059 tonelada ang ibinugang asupre kamakalawa.
Sanhi nito, mahigpit ang babala ng Phivolcs na huwag pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone at paglipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa crater nito. (DWAR Abante Radyo)
