29 nilambat sa jueteng

Dalawampu’t siyam katao ang dinakma nang maispatan ang mga itong nagsasagawa ng illegal jueteng.

Kumpiskado sa 29 katao ang perang higit P240K, at mga jueteng paraphernalia gaya ng yellow columnar pads, electronic calculators at isang tambiolong gamit sa pagbola ng jueteng – isang uri ng illegal numbers game ayon sa Presidential Decree 1602.

Nasa aktong binobola ng mga naturang indibidwal ang mananalong taya nang abutan ng mga tropa ng Daraga Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, Albay 2nd Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 5, CIDG Albay Provincial Field Unit, at Regional Intelligence Division 5, ang jueteng operation sa Barangay Sipi, Daraga, Albay alas-9:24 kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PRO 5 Acting Regional Director PBGEN Erosito Miranda, ilang linggong nagsagawa ng police surveillance ang kanilang tropa dahil sa natatanggap na reklamo mula sa media at residente ng nasabing lugar.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa 29 na suspect. (DWAR Abante Radyo)


オリジナルサイトで読む