Nasugatan ang limang magkakamag-anak na sakay ng isang kulong-kulong matapos makasalpukan ang isang kotse sa national highway ng Barangay Olo-Olo, Santiago, Ilocos Sur.
Sa imbestigasyon ng Santiago Police, umagaw sa linya ang kulong kulong na minaneho ng 27 taong gulang na kelot at sumalpok sa kasalubong na kotse na minaneho ng 42 taon gulang na bebot.
Sa lakas ng pagbangga, tumilapon lahat ang sakay ng kulong-kulong.
Parehong nagtamo ng matinding pinsala ang dalawang sasakyan.
Agad namang dinala sa ospital ang limang sakay ng kulong kulong pati na rin ang driver ng kotse dahil sa pananakit ng dibdib.
Ayon sa pulisya, isa sa mga biktima ay nasa kritikal na kondisyon dahil sa matinding tinamong sugat.
Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya. (Randy Menor)
