P5.2M puslit na yosi nasilat sa Mandaue City

Tinatayang nasa P5.28 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng pulisya sa Mandaue City nitong Biyernes, Enero 23.

Ayon sa Police Regional Office 7, nasakote sa isinagawang operasyon dakong alas-3:53 ng hapon kamakalawa ang suspek na si “Hamed,” 52 anyos at residente ng Barangay Looc, habang aktong nagbebenta ng puslit na sigarilyo sa isang pulis na nagkunwaring buyer.

Narekober mula sa kanya ang 2,031 ream ng sigarilyo na may kabuuang tinatayang halaga na P5,280,600 pati na rin ang buy-bust money na P15,000.

Dinala ang suspek at ang mga nasamsam na produkto sa City Intelligence Unit at Mandaue City Police Office para sa tamang disposisyon. (Angelika Cabral)


オリジナルサイトで読む