Mister kagalit, esmi hinayaang gumapang sa kalsada si baby

Isang baby ang hinayaang gumapang sa kalye ng kanyang nanay matapos makagalit ng huli ang kanyang mister.

Sanhi nito’y mahigpit ngayong binabantayan ng DSWD Bohol ang mga magulang ng bata na inabandona sa national road ng Barangay Tabalong, Dauis, Bohol.

Araw ng Lunes, Enero 27, nang masagip ng mga motorista ang baby boy, na halos isang taong gulang habang mag-isang gumagapang sa kalsada.

Ayon sa nanay ng bata, nangyari ang insidente nang magtalo sila ng kanyang mister na piniling magtungo sa trabaho kahit na birthday ng kanilang anak.

Ayon sa ulat ng Dauis MPS, nais ng ina na magpapansin sa tatay ng bata kung kaya ay hinayaan nitong mapunta sa kalsada ang anak na nakunan pa ng video footage sa dashcam ng isang kotse.

Ayon sa impormasyon, menor de edad ang ina ng bata kung kaya hindi siya maaring kasuhan ng DSWD Bohol upang mapanagot sa ginawa.

Pansamantalang kinupkop at ikinustodiya ang bata sa kanyang lolo. (Edwin Gadia)


オリジナルサイトで読む