Bahay nasunog: 2 bata, kasambahay dedo

Dedo ang tatlo katao matapos masunog ang isang bahay sa Nicoville Subdivision, Brgy. San Nicolas, Iriga City, Camarines Sur kahapon ng madaling araw, Enero 30.

Ayon sa kompirmasyon ni Iriga City PNP Acting Chief of Police LTCOL. Jeric Don P. Sadia, kabilang sa mga nasawi ang dalawang bata na nasa edad 10 at 3, at ang kanilang kasambahay na 63-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP Iriga City, anim ang nakatira sa bahay kung saan hindi na umano nagawang makalabas pa ng tatlo na ikinasawi ng mga ito, samantalang isa naman ang naiulat na nasugatan at malapnos.

Kaugnay nito’y posibleng umanong electrical wiring ang sanhi ng sunog.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente. (Jude Hicap)


オリジナルサイトで読む