1 trak ng ilegal na troso naharang sa checkpoint

Himas-rehas ngayon ang isang drayber at pahinante nito matapos makumpiska ang mga kargang troso sa isang checkpoint sa bayan ng Kapatagan, Lanao del Sur, umaga nitong Huwebes, Enero 29.

Ayon sa Kapatagan Municipal Police Station, nasita ng kanilang mga tauhan ang minanehong forward truck ng mga suspek sa may Purok 1, Barangay Bansarvil, na puno umano ng mga pinutol na kahoy.

Dahil wala umanong naipakitang mga papeles sa kargang mga troso, kaagad inaresto ang mga nabanggit.

Galing ng bayan ng Madalum, Lanao del Sur ang truck at patungo sana sa Ozamiz City nang masabat.

Sa ulat ng DENR, nasa mahigit 2,700 board feet ng Mahogany ang narekober sa mga suspek na nagkakahalaga ng mahigit P140K.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705. (Jun Mendoza)


オリジナルサイトで読む