Malagim ang naging huling sandali ng isang 36-anyos na Pinay nang 63 ulit itong pagsasaksakin ng dyowa niyang Kano o Afam sa Brgy. Pinocauan, Vallehermoso Negros Oriental, hapon ng Enero 29, 2026.
Nakilala ang biktimang si Norma Abadano-Hall habang ang suspek ay si John William Hall, retiradong US Marine, kapwa mga residente ng nabanggit na barangay.
Nalaman na isang patalim ang ginamit ng dayuhan sa pagpaslang sa misis na umano ay nasawi on the spot.
Selos ang sinasabing ugat ng bangayan ng mag-asawa na naging madugo ang kinahantungan ng mainit nilang argumento.
Nakapiit ngayon sa Vallehermoso PNP ang salarin matapos hulihin ng tropa sa kasong Parricide sa pangunguna ni Pol. Capt. Berwyn Sorenio, OIC Chief of Police. (Edwin Gadia)