Karinderya ikinandado sa fried chicken na may uod

Ikinandado ng pamahalaang lokal ang isang kainan sa Catarman, Northern Samar matapos magviral sa social media ang post ng isang customer sa binili niyang fried chicken na pinagpipistahan ng nga uod.

Kitang-kita sa video ang buhay na buhay na mga uod na labas-pasok sa manok dahilan kaya katakot-takot na batikos ang napala nito sa mga netizen.

Dahil dito, nagsagawa ng emergency inspection at surveillance ang pamahalaang lokal sa pangunguna ng Sanitary Office, Municipal Veterinary Office at Meat Inspection and Food Safety Division, katuwang ang PNP Catarman.

Nang datnan ng mga awtoridad, bumulaga ang maruming paligid, nagkalat na mga basura at nanlilimahid na ­freezer ng kainan.

Sinabi ng mga awtoridad na lumabag ang tindahan sa sanitary and meat handling guidelines kaya ito agad ipinasara.

Muling magsasagawa ng inspeksyon ang mga awtoridad kung natugunan na ang mga paglabag at titingnan kung muli silang papayagang mag-operate.


オリジナルサイトで読む