`Basyang’ kumaway sa Mindanao

Isang low-pressure area (LPA) ang nabuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Lunes ng umaga, Pebrero 2.

Sinabi ng Pagasa na huling namataan ang LPA dakong alas-8:00 ng umaga sa layong 1,660 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao.

Mayroon umano itong mababang posibilidad na maging bagyo sa susunod na 24 oras.

Una nang iniulat ng Pagasa na wala o hanggang isang bagyo lamang ang inaasahang mabubuo o papasok sa loob ng PAR ngayong buwan ng Pebrero.

Kung sakaling lumakas ang naturang LPA bilang tropical depression at pumasok sa PAR, papangalanan itong “Basyang”. (Angelika Cabral)


オリジナルサイトで読む