Tricycle driver niratrat, sakay na nurse damay

Kapwa nalagutan ng hininga ang isang tricycle driver at pasahero nito matapos pagraratratin ng hindi pa nakilalang mga suspek sa General Santos City.

Sa ulat ng General Santos City Police Office, tinukoy ang biktima na si “Conde”, 33-anyos, residente ng Barangay Mabuhay.

Ayon sa imbestigasyon, namamasada ang biktima nang tambangan umano sa may Aparente Street, Barangay City Heights. Nasapol din ang babaeng pasahero ng biktima na si “Nhiezer,” isang nurse.

Parehong isinugod ang dalawa sa Dr. Jorge Royeca Hospital, subalit hindi rin nakaligtas ang sakay.

Naulila ni Nhiezer ang kaniyang isang taong gulang na anak.

Nagpapatuloy pa sa pangangalap ng karagdagang impormasyon ang mga awtoridad upang mabigyang linaw ang pangyayari at mahuli ang salarin. (Jun Mendoza)


オリジナルサイトで読む