100 bahay nilamon ng apoy

Umabot sa mahigit 1,000 kabahayan ang natupok sa nangyaring sunog sa Barangay Lamion, bayan ng Bongao sa lalawigan ng Tawi-Tawi nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ng Bongao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) dahil sa malakas na hangin ang sanhi nang pagliyab ng apoy, na agad kumalat sa komunidad sa baybayin.

Sinabi ng MDRRMO, alas-10:09 ng gabi nang magsimula ang sunog sa residential area, at naapula ng Bongao Central Fire Station ang apoy bandang alas-2:00 ng madaling araw noong Miyerkules.

Iniulat ng MDRRMO na ang mga nasirang footbridge at makitid na daanan ay kabilang sa mga pangunahing dahilan kaya nahirapan sa pag-apula ng apoy.

Sa kabila ng laki ng pagkasira, kinumpirma ng mga awtoridad na walang naiulat na nasawi sa sunog.

Ang mga pamilyang nasunugan ay inilikas sa Mindanao State University, partikular ang gym at covered court nito, at ang Provincial Quarantine Area. (Dolly Cabreza)


オリジナルサイトで読む