Isang babae ang nagpasaklolo sa Davao police station matapos iwan ng umano’y nambubugbog niyang dyowa sa isang hotel.
Inabandona ng suspek na isang Chinese national ang 21-anyos na babae sa loob ng isang hotel sa Davao City kahapon, Peb. 4, 2026, pagkatapos nilang mag-check in.
Si alyas Joan ay mula sa Caloocan City at ayon sa kanya, anim na buwan na niyang karelasyon ang Chinese at matagal na siyang binubugbog nito.
Natatakot lang daw siyang magreklamo dahil `POGO boss’ ang boyfriend niya at maraming koneksyon.
Gumagamit din umano ng iligal na gamot ang kanyang nobyo at iniengganyo umano siyang gumamit din.
Mabilis namang rumesponde ang San Pedro Police at sinagip ang babae. (Edith Isidro)