Lady tanod timbog sa raket na droga

Wala nang kawala ang 44-taong-gulang na bebot na barangay tanod sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Burayoc, Pagudpud, Ilocos Norte noong Februa­ry 04, 2026.

Ang operasyon ay isina­gawa ng drug unit ng pulisya laban sa suspek na isang high value individual na mino-monitor ang kanyang galaw.

Nakumpiska ng mga pulis sa suspek ang 3 heat sealed transparent plastic sachet na may laman umanong shabu.

Ayon pa sa pulisya, kilala ang suspek na tulak sa kanilang lugar.

Sasampahan ito ng reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Randy Menor)


オリジナルサイトで読む