Sapul sa video ang banggaan ng dalawang bangka na kalahok sa Bangkarera 2026 na ginanap sa Nueva, Valencia, Guimaras nitong linggo.
Ang Bangkarera 2026 ay bahagi ng Sadsaran Festival na ipinagdiriwang kada taon sa nasabing bayan.
Sa video na kuha ni Sangguniang Panlalawigan member Atty. Paul DeLa Cruz, makikita ang dalawang bangka na mabilis ang takbo papunta sa finish line pero nang malapit na ang mga ito ay biglang binangga ng isa pang bangka ang likurang bahagi ng isang bangka.
Sa lakas ng pagbangga ay nahulog sa tubig ang bangkero habang nagpatuloy sa pagtakbo ang kanyang bangka hanggang sa bumangga sa mga bato sa gilid ng dagat.
Ayon kay DeLa Cruz, ligtas naman ang nahulog na bangkero at kaagad dinala sa dalampasigan. (Joven Escaniel)
