Surplus shop owner binaril ng kostumer

Binaril ng isang customer ang may-edad na may-ari ng isang surplus shop sa Circumferential Road, Purok C-Suaybaguio, Barangay Magugpo North, sa Tagum City kahapon ng tanghali.

Ayon sa inisyal na ulat, kinilala ang biktima na si Buenaventura Perandos, ang may-ari ng tindahan kung saan naganap ang pamamaril.

Nag-ugat umano ang insidente sa isang mainit na pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng hindi pa nakikilalang customer bago marinig ang putok ng baril.

Agad namang dinala ang biktima sa ospital para sa agarang gamutan, habang nakatakas ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa pamamaril at mahuli ang responsable sa krimen.


オリジナルサイトで読む