Nasawi ang isang 45-anyos na miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (Cafgu) matapos ratratin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa national highway sa Brgy. Panay Norte, Magsingal, Ilocos Sur nitong linggo ng gabi.
Ang biktima ay nakatalaga sa 50th Infantry Defender Battalion ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa San Juan, Ilocos Sur.
Batay sa imbestigasyon ng Magsingal Police, suma-sideline sa pamamagitan ng pamamasada ng traysikel ang biktma.
Naghatid ito ng pasahero nang ratratin siya ng riding-in-tandem na agad na tumakas.
Nagtamo siya ng maraming tama ng bala na agad na dinala sa ospital pero idineklara nang dead on arrival.
Personal na dahilan ang tinitingnang motibo sa pag-atake.
Patuloy naman ang imbestigasyon laban sa mga suspek. (Randy Menor/Dolly Cabreza)
