Nagkaroon ng pansamantalang pagsisikip ng daloy ng trapiko matapos mapilitang huminto ang isang tren sa railroad crossing sa Rizal Street, downtown Iriga City, Camarines Sur dahil sa kotseng nakaparada malapit sa riles.
Ayon sa mga ulat, isang Toyota Wigo ang naiwang naka-park umano sa lugar at posibleng tamaan ng tren kung nagpatuloy ito sa pag-andar kaya agad nagpreno ang train driver.
Dahil dito, naantala ang mga motorista at pedestrian na dumaraan sa nasabing bahagi ng national highway na malapit sa palengke at mall.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang may-ari ng sasakyan at inusog ang kotse upang makadaan ang tren at maibalik sa normal ang daloy ng trapiko.
Tinikikan naman ng mga pulis ang driver ng kotse dahil sa illegal parking.
Samantala, naglabasan ang iba’t ibang reaksiyon sa social media kung saan may ilang netizen ang nagsabing “sa Pilipinas, tren na ang nag-aadjust,” habang ang iba naman ay pinuri ang train driver sa pagiging maingat at makatao sa pag-iwas sa posibleng aksidente. (Ronilo Dagos)
