Bahay sapol ng landslide

Isang bahay ang nasapol ng landslide kahapon ng umaga sa Purok 3, Rizal, Monkayo ​​​​Davao de Oro dahil sa pag-ulan na dulot ng masungit na panahon.

Batay sa mga inisyal na ulat, nangyari ang landslide dakong alas-6:07 ng umaga nitong Biyernes, Pebrero 13.

Wala namang naitalang nasawi ma­liban sa isang bahay na bahagyang nasira matapos matamaan ng gumuhong mga lupa.

Patuloy ang isinasagawang assessment ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) at Social Welfare and Development Auxiliary (SWADA) para malaman ang kabuuang pinsala at tulong sa mga apektadong pamilya.


オリジナルサイトで読む