Mula sa 54, umabot na sa 57 ang kinasuhang pulis matapos masangkot sa hazing sa welcome rites ng mga bagong destinong pulis sa Lamitan City, Basilan.
Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson PBrig. Gen. Randulf Tuaño na tatlong patrolman ang nadagdag sa sinampahan ng kasong paglabag sa RA 11053 o Anti Hazing Act of 2018 dahil sa kanilang pagpaplano, partisipasyon, at pagiging present sa nangyaring hazing.
Sa 57 na nasampahan ng kaso, 24 dito ang unaccounted pa.
Dahil dito, binibigyan sila ng pagkakataon ng PNP na mag-report bago maituring na AWOL o Absent Without Official Leave.
Giniit naman ni Tuaño ang pag-iral ng zero tolerance policy sa PNP.
Matatandaang kabuang 77 na mga PNP personnel ang sinibak sa puwesto mula Regional Mobile Force Battalion 14B dahil sa nangyaring hazing sa mga bagong destinong pulis. (Edwin Balasa)
